CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Sunday, March 11, 2012

Oh Love..



Hahaist..

Love.
Why do have to bring so much happiness yet unbearable pain?

WHY?..

I miss you.

Yes. I do.

I miss the times when we are just hanging together
(Laughing like were crazy. playing in the rain. giggling with your nieces)

The games we use to play.
(Counting cows and goats during long travels. Word Factory. Riddles)

The song we use to sing.
(You don't care if I may sound off note)

The arguments.
(Arguing about who will win the basketball match on t.v)

The moments when you're holding my hand because you knew I'm afraid of fireworks, thunder and lightning.

The moments when you laugh at me being stupid.
The moments I laugh at you being stupid.

The surprises I gave you that made you smile
(letters inserted underneath your pillow)
The surprises you gave me that made me smile
(the cookies formed i love you. Greeting me in front of a crowd)

I miss kissing you in the morning until you wake up to kiss me back

I miss the old us. The old you.
The old you I used to love.
The old you that used to love me.


What happened to us?
We turned into dust.

Maybe the hardest part of loving you was having to give you up
Giving your happiness even if it tears me up.


Minsan gusto ko nang makalimot sa lahat ng sakit na pinaramdam mo.
Gusto na kitang kalimutan.
Pero habang sinusubukan kong lumayo,
Hindi ko maintindihan kung bakit may tumutulak sakin pabalik.

Bye..







Thursday, March 8, 2012

FIRST IMPRESSION

First meeting.
So okey..

First impression.
He's loud.

He have so much to say. While I'm dumbfounded. Unable to utter a single word. I honestly don't know what to say. I'm not used to this kind of people. Maybe because I am more of a listener than a speaker. Totally my opposite.

Okey.
Physically.
Bald. O well, I'm not sure but I don't like that kind of hairstyle.
Tall. Plus points.
And physically fit. Plus plus for that.
And I must say, he's cute.



M.U?

Hindi naman talaga kami.
Walang kami.
M.U lang siguro. Hindi ko alam.

Yun bang hindi kayo. Walang word na commitment. Pero your acting as if you were.
Masaya. Kasi malaya ka. Maari mong gawin ang gusto mo. Kasi nga, walang kayo.

Masarap sa pakiramdan yung may taong andiyan para sayo.
May mag aalaga. May nagaalala. May naglalambing at nagsasabing,
"Ingat ka lagi."
"Kumain kana?"
"Wag magpapagutom"
"I miss you"

May nagbabawal sayong gawin yan kasi magtatampo siya.
Nakakatuwa. May tawagan pa. May bigayan ng remebrance para maalala ang isa't isa.
Minsan sweet siya. Pero laging may tanong sa isip mo.
"SERYOSO kaya yun?"

Tumatawag sa cellphone kasi namimiss ka daw niya.
Ang saya sa pakiramdam tuwing magkasama kayong dalawa.
Binubuo nya ang araw mo.
Laging magkatext. Magkatawagan. Kakulitan.
Diba ang saya? parang kayo na. Pero hindi pa pala.
Walang kayo.
Pwedeng pwde ka pa bumitaw kung gugustuhin mo.
Pwede mo siyang iwan ng wlang paalam. Kasi nga naman hindi kayo committed.
MORE THAN FRIENDS BUT LESS THAN LOVERS.
Yun kayo eh. Masaya. Pero mahirap din pala.
NEVER ASSUME. NEVER EXPECT. NEVER DEMAND.
Kahit na anong gawin mo. Pagbaliktarin mo man ang mundo. Walang kayo.

Minsan gusto mo magalit pag binabalewala ka nya.
Magselos kung may natitipuhan siyang iba.
Masasaktan ka din kahit papaano.

Mas okey ba talaga ang ganito?
Masaya kayo kahit walang kayo?
Siguro nga.
Pero malay mo.
Kayo na pala ang pinagtagpo.


Sunday, March 4, 2012

EWWWW!



Isa sa pinakaayaw kong nilalang ay ang ipis. Hindi ko mawari kung anong silbi nila dito sa mundo. Bukod sa pangit nilang mukha ay nandidiri ako sa.. ahmmm... sa lahat! Wala naman ata akong makitang maganda sa ipis. Kahit pag baliktarin ko man sila. Pangit pa rin.

Noong highschool pako, naisip ko rin minsan, paano kaya kung ipis ang idissect namin sa halip na palaka? Sa paghuli pa lang siguro ng ipis hindi ko na kakayanin. Lalo na siguro kung hahatiin na ang katawan nito upang pag aralan. Bahala na sigurong mabagsak wag lang akong makakakita ng kalamnan ng lintik na ipis na yan!.

Isang araw tinanong ko si lola kung saan nang galing ang mga ipis. Pero hindi pa siya nakakatapos sa kanyang kwento ay nag walk out nako. Baka malaman ko pang kapatid nya si Dora the Explorer o kaya tatay nya si Barney. Kaya pala ganun na lang ang takot ko kay Barney noon.

Hindi ko alam saan nagsimula ang takot ko sa ipis. Basta ang alam ko, ayoko sa kanila. Kung gusto nyo ko makitang sumayaw, hagisan nyo ko ng ipis at panigurado ako na ang pinaka magaling na mananayaw sa oras na yan. Pero wag mong subukan kung ayaw mong bumaliktad ang ulo mo.

Nakakatuwang isipin na napaka walang kwenta ng artikulong ito. Pano ba naman, nainspire ako sa feeling butterfly na ipis kung lumipad na nakita ko sa kwarto na agad namang pinatay ng kapatid ko na adik sa computer na tinawag ko para mapatay lang ang ipis na feeling butterfly kung lumipad. Teka. Magulo ba? Pansin nyo rin pala.

At habang akoy nagsusulat ay may na sasayt nanaman akong ipis. Teka nga, san na ba yung tsinelas ko.. Ayuunn..

WHAPPPPAAAAAAKKK!!

Friday, March 2, 2012

I WILL

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
I’ve been so devastated these past few days. Insomnia for 2 days straight, crying my heart out, felt so sick and haven’t eaten a decent food since the day we broke up. My heart ache from its depths that almost ruined my trust in the Lord and to my self. It’s been so hard to deal with pain. I know I’m not that strong but I know this won’t take long. I will be fine. I will eventually forget about my feeling and soon laugh about how stupid I am for crying over a guy who isn’t even worthy of the love I had given him. I know that the pain is unbearable for now. But I know someday the pain would heal. Maybe not tomorrow or the next day. Someday, I will just be surprised that my heart is already free from hurts and I’m not bothered by his thoughts anymore. Someday.

I will be fine. I know I will be. I must try not only for the people who cared for me but also for myself. There’s more to life than chasing out a love that is not for me. Maybe I was wrong to even think that he’s the one destined for me. I almost forgot that there is no such thing as destined to be or God given person to love. That is why God gave us the freedom. Freedom, which includes the freedom to love. It’s not written in a book or because you thought God has finally answered your prayers because finally you found the ideal person. For me, it is always because of your decision of whom to give your love.

Wooohh.. pde ma brain freeze kadali?
Emoterang froglet jud ko uii.. hahaii

Ahhh ..,Well, thanks for my constant companions. My friends, My family and my favorite sweet~ icecream.

(reblogged from my fb notes)



THE GIFT

Having to see your kid for the first time was overwhelming. I can’t even explain the happiness she had given me the first time I heard her cry.

Early as expected, Anshane Lea Marie came into my life January 23, 20
12. A gift from above that made me so happy. After all the pain and sacrifices of laboring that I’ve been through, finally here she is, near me. Crying. Asking for security. In that moment, all the pain was gone and was replaced with hopes and dreams for her.

I never thought that being a mother would make me a much better person. I realized how strong I am. Despite everything that I’ve been through, here I am standing back again from the fall. I know I can
do this. Not only for myself but also for my daughter.

Thank You Lord for the gift.

I would always be thankful for you have given me a wonderful daughter.

LALAKE TALAGA, Oo

...maraming nagsasabi na mas nakakalamang ang lalake pagdating sa relasyon. May ilan din namang ang babae ang mas nakakalamang.

Diba unfair naman ata yun sa parte ng babae pag sinabing kmi ang may kasalanan pag hindi naging maayos ang relasyon? At unfair din yun sa parte ng lalake.

Eto lng ang masasabi ko: ..may mga kaibahan ang lalake sa babae pagdating sa ganitong usapan. Mahirap talagang pumanig sa mga kalalakihan pag babae ka. Syempre., kailangn mong ipagtanggol ang sarili. At sa puntong ito. Kailangn ko ipagtanggol ang aking sarili.

Ilan ng ito sa alam ko na gusto kong ipamahagi. ang kaibahan ng lalaki sa babae at babae sa lalake.


*hingang malalim.*


1..2...3..


Ang lalake pag nambabae.. macho gwapito ang tingin ng kabarkada. Pag ang babae nanglalake.. pokpok.

May malaking hidwaan sa pagitan ng lalake at babae, at sa hidwaang ito, karaniwang babae ang nakakulong. Nariyan ang social, religious at traditional restrictions. Kinakailangang ikahon ng babae ang sarili sa mga pagbabawal na nakapaligid sa kanya. Sa dinami-rami ng pagbabawal sa babae, napakalaking hadlang parin ang genetic restrictions. Napakalaking kapahamakan ang katawan ng babae. Mkipagsex ka sa bobong lalake, mabubuntis ka at habang buhay mong palalakihin ang nabuong tamod ng lalake at pag ganun, hindi ka na gnun ka appetizing sa mas may kwentang lalake. Hindi tulad ng mga lalake. Ngyon makipagsex sila sa magandang babae bukas sa mas magandang babae. Pag nakabuntis sila, problema na ng babae.

Ang lalake pag nagmahal iisa lang. Pero maraming reserba. Ang babae pag nagmahal masarap, malambing, sobra-sobra na halos sa iisang lalake iikot ang mundo. Sa iisa lang.

O eto,. matibay tong ebidensya. May mga lalake akong nkausap at eto ang sbi nila. "Khit na mambabae kmi. IIsa lang naman ang mahal namin."

..Diba, unfair yun sa aming mga babae?

Kasi kaming mga babae, pag nagmahal. Wlang halong kagagahan. Iisa lang. Madaming mga ngugstuhan ang babae pero not to the point na magpapascore kmi. Eh ang lalake?, Kahit na wlang pagmamahal basta makaiscore lang. tiba-tiba na.Pra sa nakakahigit na populasyon ng kalalakihan iisa lng naman ang mahalaga.SEX.

Tpos,eto't sinasabi nyo, selosa kami?..

syempre, nasasaktan din kami dahil minsan hindi nyo mramdaman ang sakit na naidudulot ng pangbababae nyo. Punyeta ang dulot ng emosyon. Hindi totoong nagsasawa kami kaya humahantong ang relasyon sa paghihiwalay. Natauhan lang kmi sa mga katarantaduhang ginagawa ng kalalakihan. Umaabot sa puntong nauubos din ang pasensya ng babae.

OO,sa isang relasyon,sabihin na nating hindi talaga totoong ang babae ang nagbibigay ng mas mataas na porsyento ng emosyon. Kapag nakayang gisingin ng babae ang totoong pagnanasa ng lalake, napakalakas na emosyon ang ibubuhos nito. Ang pagmamahal ang isa sa kahinaan ng lalake. At ang pagkabigo ay pagkasira ng kanyang pagkatao.

Kaya kung sa tingin nyo kami ang naisahan ninyo, mag-isip ka muna iho. Kaya subukan nyong manakit ng babae. At Triple ang dulot na sakit nito sa inyo.

may angal?...

*boW..*


hahaha.. pero eto lng talaga ang gusto kong malaman ninyo:


-Pareho lang talagang walanghiya ang babae at lalake. Kaya nilang manakit sa kisapmata at huwag maisip ang balik na skit nito.-

Kaya dapat patas lang. May mali man ang babae. MAy mali din naman ang lalake. OK?

hahaii... lalake talaga,oo.


-sHaNe-